<body>
Oh, Thesis
Friday, October 14, 2011

Alam ko sobrang aga pa problemahin 'to, pero hindi kasi 'to biro eh. Hindi 'to pwedeng balewalain lang. At di ko alam kung anong mangyayari. Isa sa importanteng part nito eh yung groupmates mo. At yun ang bagay na hindi ko alam paano aayusin. Lalo na matagal ng planado 'to. Pero alam naman natin na kung may isang bagay man na hindi nababago yun ay ang PAGBABAGO. Ang mga bagay-bagay, ang mga tao, pati nararamdaman, lahat nagbabago. Hindi ko lang alam paano sasabihin kasi baka may masaktan o baka may ma-offend ako. Pero kasi, habang dumadami yung pagkakataon na binibigay satin para magwork as a group, lalo kong narerealize na hindi sya nagwowork. Walang kusa eh. Mahirap yung ganun. Hindi kasi 'to yung tipo na pwedeng petiks lang. Hindi. Walang mangyayari sayo kung iaaasa mo lang sa iba. Kaya alam kong wala talagang mangyayari dito. Tagal kong pinigil lahat. Minsan ang plastic ko na. Sorry pero ayoko kasi na magkagulo pa. Ayoko kasi masira lang yung friendship dahil dito kaya pinigil ko nalang yung galit, inis, at kung ano pang negative feeling. Sorry alam ko sobrang sama ko, and siguro, wala na rin kwentang kaibigan. Di ko naman nakakalimutan lahat ng pinagsamahan at pinagdaanan, pero di rin mawala sa isip ko yung mga times na sobra na talaga, di na tama. Pero alam ko maaayos din 'to. Syempre kung itong bagay na'to di ko pwedeng balewalain, kayo pa kaya. Iniisip ko nalang na malalaman ko rin kung ano yung dapat, kung ano yung tama, at kung ano yung gusto Niya.



Wonderstruck
enchanted to meet you

Pauiie, 19, Pinay

Archives
gone with the wind

October 2011
November 2011
December 2011
January 2012
January 2013

Advertisements
you're on your way


TUMBLR
TWITTER

HTML Hit Counters

Credits
take a bow

1 2 3