Maraming bagay na hindi mo inaakala na mangyayari pero nangyari. Maraming bagay na di mo inaakalang makukuha mo. Masyado kasing maraming
"surprises" ang buhay. Minsan nga nakakainis eh kasi puro nalang problema yung dumadating. Pero minsan, magagandang bagay din naman. Sinabi ko 'to sa kanya, na hindi man lang pumasok sa isip ko na makakasundo ko siya. Siguro dahil na rin sa mga nangyari dati na sabihin nalang nating may pagka magulo. Pero sabi ko nga rin, maraming "surprises" ang buhay. Di ko alam pano nagsimula pero biglang andun na. Siguro nung nakausap ko siya at narealize ko na okay pala siya. Mabait,
mataba... Ay mali. Healthy pala! =)))
(maisingit ko lang talaga) At isa pang hindi ko inaasahan, lalake siya pero nakikinig talaga siya sa mga walang kwenta kong kwento. Alam mo naman kasi kapag nakikinig yung kausap mo o hindi eh. Nararamdaman yun eh. Pero pag siya kausap ko, alam kong iniintindi nya ako kahit puro kalandian nalang.
Chos! =)) Sobrang nagpapasalamat lang ako kasi binigyan ako ng pagkakataon ni
Papa God na makakilala ng kaibigan na makikinig at iintindi sayo. Sobrang laking bagay kasi yung malaman na may handang makinig sayo, masaya ka man o malungkot.
Blessing talaga.
Thank you for everything, Bebe! You're a true friend.
HAPPY BIRTHDAY! :D